Sigawan
Kahapon ng gabi, pagkatapos kumain ng hapunan. Ang magleave-in na Annie at Robie nagtuturuan kung sino ang nakatoka sa paghuhugas, sa sobrang inis ko sa kanilang dalawa, sinigawan ko silang 2.
“KUNG AYAW NYO MAGHUGAS, HUGASAN NYO ANG SARILI NIYONG PINGGAN!!!! AKO NA LANG ANG MAGHUHUGAS!!!!”.
Since ako naman tagaligpit – pagkaligpit ko hinugasan ko na kaagad. Tapos naririnig ko ang mama ko
“O! Papa, saan ka na naman pupunta? Maninigarilyo ka na naman?”
Nagulat ako – ang papa ko naninigarilyo na naman?! Di na ba sya natakot sa nangyari sa kanya? Porket may gamot sya sa TB nya, magsisimula na naman sya. Mula sa kusina habang naghuhugas, sumigaw na naman ako.
“Ano na naman yan, Pa?! Di na ba kayo natuto sa nangyari sa inyo? May sakit na nga kayo. Magsisimula na naman kayo? Isusumbong ko kayo kay Tiya!”
Sa sobrang inis ko kagabi sa pamilya ko, binuhos ko ang sama ng loob sa paglilinis ng kusina. Kitchen counter, kusinilya, dish dryer, at nabasagan pa ako ng bote ng mantika. Aba! wala pang kumilos sa mga tao sa bahay. Another sigaw na naman ako
“O! wala bang kikilos para tulungan ako sa nabasagan ko?!?!!!?”
Pagkatapos ko maglinis ng kusina, kumatok ako sa pinto ng kwarto nila mama at papa. Sinabihan ko ang mama ko na tapos na ako, at magpapahinga na ako.
Dahil sa di nakaonline ang mga friends ko (mga friends na pinagkakatiwalaan ko), the usual way – magkukulong sa kwarto at iiyak na lang. Lahat na lang ba idadaan ko sa iyak. Sawa na nga ako umiyak pag may kinaiinisan ako. Gusto kong magwala pero di talaga ako nagwawala. Iiyak na lang ako hanggang sa mapagod at makatulog. Pero anong oras na ako natulog – 1am. Di ako makatulog. Dinaan ko na lang sa panunuod sa YouTube ng isang sad na Chinese song. Salamat sa bagong kanta ni Wilber Pan.

