A week of confusion

Natapos na naman ang isang linggo pero itong week na to sobrang di ko alam ang gagawin ko.  Aside sa di makaugaga na mga trabaho, marami akong iniisip.

Nagsorry ang boss ko dahil sa delay na sahod. Somehow, naiintindihan ko naman. Kahit di nya sabihin, alam ko na yung sasabihin nya sakin kaya di ako namilit tungkol sa sahod. Nagpromise sya this week at kahapon dumating ang 15th na sahod. Disappointed ako somehow pero sadyang mahirap ang buhay ngayon. Pero may nalaman akong ikagugulat ko. Di ko masiwalat dito at baka magsearch sa Internet at makita pa itong entry. Ayaw ko bukingin ang tao nasa likod sa nalalaman ko pero wag kayong magalala. Sasabihin ko naman tungkol duon sa tamang panahon. Dahil sa nalalaman ko, nagpasya na ako magisip-isip.  Disappointed ako sa nalaman ko kaya nagpasya na ako magisip-isip.

Nalaman ng parents ko na wala pa akong sahod nung Friday at sila na mismo nagsabi sakin na bumalik na lang ako sa AMDATEX at iwanan ko na ito. Nandun na ako sa point na kailangan ko na kausapin si Ate Glamour pero still undecided pa rin ako.  Pagumalis ako dito, 3 companies ang willing tumanggap sa akin. Walang problema sakin pero paano naman yung ibang walang babalikan at umaasa lang kay bossing. Pagisipan ko muna to mabuti. Pagbibigyan ko si bossing ngayon. Titignan ko muna ang sitwasyon namin.

Tags: ,

This entry was posted on Sunday, May 31st, 2009 at 10:51 am and is filed under Daily Rant. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. Both comments and pings are currently closed.

Comments are closed.