Napaiyak ako…

Sa mga panahon na ganito na talaga ang nararamdaman ko na hindi ko na alam kung paano ako magdedesisyon sa isang bagay at litong-lito na ako sa sobrang dami kong iniisip, di ko na talaga mapigilan na di umiyak. As usual work related to. Di na nga ako umiimik sa statement ng co-team mate ko regarding sa delay na sahod namin dahil sa nagsisimula na ako magisip-isip. Laging nakabukas ang main e-mail ko baka sakali na dumating na ang notification galing sa zoom.com

Sa natitira kong pera na 160 pesos, higpit sa sinturon na ang ginagawa ko. At least kahit papaano, may pera pa rin. Marunong akong magbudget ng pera pero ngayon nagaalala na ako dahil dumating na ang mga bayarin ko. Internet, Credit card, hosting bill, Meralco bill. Ang masama pa dito baka 15th pay check ang maibibigay. This week pay day  na ulit at dapat 2 pay checks na ang ibigay ng boss ko.

Di na ako nagsalita pa sa boss ko dahil ayaw ko lumaki ang problema. Pero dahil sa pangyayaring ito, di ko maiwasan na magisip na ng bagong hakbang just in case na magtuloy tuloy ang problemang financial ng company. Maswerte ako dahil sa may babalikan akong kompanya. Paano yung walang mababalikan?

Nagpapasalamat ako sa Panginoon na meron akong mga kaibigan na nagbibigay sakin ng tibay ng loob sa mga downtimes ko. Maraming salamat sa inyo.

Tags:

This entry was posted on Monday, May 25th, 2009 at 11:44 am and is filed under Daily Rant. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. Both comments and pings are currently closed.

Comments are closed.